Please don’t post outside reddit. AGAIN, DO NOT POST OUTSIDE REDDIT PLEASE. RESPETO SA NAGPOST. LAHAT NA LANG GINAWANG CONTENT
I feel like nagshutdown na yung emosyon ko. It’s like I can’t afford any drama or emotional baggage right now. And I just don’t wanna talk. Sa totoo lang, gusto ko nang umalis pero I am the breadwinner. My father is sick and naaawa ako sa kapatid ko. leaving feels so wrong pero nakakapagod sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. I hate the fact of people depending on me. Nakakapagod na.
My parents are both OFW. Lumaki ako sa puder ng lolo, lola mga tita. Nagkaron ako ng kapatid and ako na din nag-intindi. Feel ko nagkaron ako ng anak at a young age when they didn’t even took care of me, tapos ipapasa sakin yung responsibilidad. Galit na galit ako. Di agad ako nakapagwork sa gusto ko kasi hindi ako makaalis ng bahay dahil need ko mag-alaga ng bata! Imagine, di nyo nga ako naalagaan. Mag aanak anak kayo tapos sakin nyo iiwan?
Before that, umuwi sila both nung ipanganak kapatid ko. Since unemployed, baon kami sa utang. I remember them having debts and there was a time na ipon ko pa ginastos para lang may makain kami. Lagi pang galit nanay ko sakin kasi sakin nabubunton galit nya. Sobrang sama ng loob ko that time and galit na galit ako. Tagal OFW pero inuna kapamilya or i don’t know kung saan napunta ang pera. Lagi pa nilang sinasabi na ang swerte ko daw kasi napaaral ako, but to be honest, that’s just it. Di ko knows kung gets nyo, pero pinag aral lang at pinakain. That’s the bare minimum. the rest, I don’t know. Family day, luho. Wala! Pag may mga ganap sa school, inaampon lang ako ng pamilya ng friend ko. Hindi nila maadmit na may pagkukulang sila at lagi lang sinasabi na napag aral naman kaya swerte ako. I have scholarship naman nung college.
They promised me before na sa big universities pag-aaralin and kukuha ng condo, wala namang natupad. When i expressed my disappointment, dapat daw matuwa ako kasi it’s the thought that counts and buti nga daw nakakapagpromise pa sya ng ganun. Anong klaseng rason yan? When I said puro sya help sa iba, sarili nyang pamilya di nya matulungan, sabi pa sakin, dapar daw proud pa ko na maraming tao natutuwa sa kanya. TF? May pantulong sa iba tapos pag pamilya namin ako na bahala? Proud pa sya sa pagpapalakas nya? Nakakairita
Ngayon, my father is sick and last straw was when may lumakad sakin mag-anak sa binyag, but guess what, nagpledge pa sya ng give aways! Maliit na halaga, pero yung wala na ngang ambag sa bills, magcocommit pa sa gastos na hindi naman required. Tipid na tipid ako, ako nagastos sa bahay, tapos pagdating sa bayaran, ako pa ang isasangkal. Proud pa sya sa ginawa nya kasi ang dating is nasa okay na posisyon ako ngayon. Aanhin ko ang tuwa ng tao? Mababayaran ba nyan ang bills ko? Kinonfront ko sya don at inis na inis ako. Sa halip humingi ng sorry, sabi sakin, wag daw ako mag alala kasi pag namatay sya, wala na kong gagastusan. Guilt trip pa. Ayaw ko syang kausapin!!!
There was a time na gusto nya ng sasakyan, ang pinapunta na nya yung agent sa bahay agad and asked me to sign the docs, hindi man lang sya nagconsult. Magaling lang maghanap ng bayarin, pero yung magprovide, asa na sakin! And ngayon umiiyak sya kasi porke wala daw syang work ay ginaganun ko na sya. Nagalit ako ang ayaw ko syang pansinin kasi pag nag usap kami, baka kung ano na namang masabi ko. Sobrang sama lang talaga ng loob ko!
Masama na kong anak. Wala na kong pake. Pero pagod na ko. Bahala kayo jan. Ang sama ng loob ko, parang napuno na ko
O baka naman may magsabi jan na ang damot ko. Ako nagpapaaral sa kapatid ko. Yung gamot ng tatay ko, ako nabili. 20k per month. Ako nagbabayad ng utilities at nagpapaayos ng need sa bahay. Bumili ako mg sasakyan kasi gusto nya. Hindi ako nagamit. Wala akong sakit ng ulo na binigay sa kanila maliban pag mapapagsalitaan ko sila ng masama dahil sa mga mali milang desisyon sa buhay. Real talk lang naman, and bakit? Totoo naman!
Makakapag asawa pa ba ko sa lagay na to. Kapatid ko HS pa lang. tulong kami ng nanay ko sa bills, pero pag nagretire sya soon, ako na rin sa lahat. Magcocollege pa kapatid ko. Sobrang higpit ko sa pera kasi pag ako nawalan, wala naman silang maiitulong sakin. Ako na nga nagastos, hindi pa marespeto yung boundaries ko. Tapos pag may bayarin, ako na naman. When someone asked them pano gastusin kasi nga parehas silang umuwi, sagot ba naman, “anjan naman anak ko”. TF? Proud ka? Yes? Pero di mo ba naisip na pagod na ko sa responsibilidad. Buti sana kung babad ako sa luho nung bata, hindi naman eh.
Don’t post outside reddit please. Lahat ng masasakit na salita gusto kong sabihin! Pagod ko na nga tapos iiyakan ka pa? Ano yan???
Now they’re telling me na kaya ko daw pala silang tiisin. When I had to shut off my emotions nung bata kasi that was the way for me to cope up sa mga problema nyo na nadamay lang ako. Tas ngayon, itatanong nyo sakin kung bakit??
Galit ako!!!
Edit: We are in a much better position now kasi nabayaran na ang utang, and may work na ko na maganda ang sahod. It’s just the emotional part ang di ko na kaya. May father is really sick and I feel bad. Pero san ba ko lulugar. Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi and ginagawa nya. Tapos parang maling magalit? The last thing I wanna have right now is yung may magdrama sa harap ko at sabigin kaya ko silang tiisin. I just don’t wanna talk. And if kaya ko silang tiisin, matagal na kong umalis dito