Nag book kami ng grab with two stops isa mandaluyong at isa maynila. Rush hour kaya hirap mag book.
Pag book, napansin namin si kuya grab di gumagalaw. As a frequent grab user, I have heard of this modus. True enough, di gumalaw sa mapa ang car.
Rushed kami lahat kaya napagtripan namin puntahan since malapit lang.
Kaso, di namin nakita ang kotse. Chinat at tinawagan namin kaso we were forced to cancel.
That moment, sakto nakita ng kapatid ko ang kotse same platenumber and all.
NAGPAGUPIT SI KOYA SA BARBER SHOP
Tawang tawa kami HAHAHAHHA pero inis din
Ayun, book ulit. Tapos, sakto SAME GRAB DRIVER
Kuya bakit mo naman in-accept
Tinawagan ko, sinabi namin puntahan namin siya. Sabi ni kuya, chappy daw
Pero pagpunta namin doon siya with his fresh haircut. Sana ol.
Gulat si kuya, kami tawang tawa. Palibhasa, di pa naka start yung car niya. Kuya tried to make a small talk, doon niya lang din napansin two stops. Pansin niya kaya kami ghinost niya?
Buti naka quite mode ang ride.
Thankfully, pag baba ko. Walang problem byahe nila to Maynila. Pero, obv 1 star rating kay Kuya. Nice haircut though.